Ang mga halimbawa ng di pamilyar na salita ay ang mga sumusunod: 1. TIPANAN – isang lugar kung saan sila nagtatagpo.Halimbawa: Muli kaming magtitipon-tipon ng aking mga kaibigan sa dati naming tipanan. 2. ALIPUGHA – isang iresponsableng tao.Halimbawa: Siya ay tinuring ng kanyang mga magulang na tila isang prinsesa kaya’t siya ay lumaking alipugha. 3. KATIPA – kasintahan.Halimbawa: Madalas akong bumibili ng regalo para sa aking katipa. 4. TALIPANDAS – isang tao na makapal ang mukha.Halimbawa: Si Aling Terry ay tinuring ni Mang Badong na parang isa tunay na kapatid ngunit dahil siya ay talipandas, hindi niya ito pinahalagahan. 5. SALIPAWPAW – isang sasakyang pang-himpapawid ; eroplano.Halimbawa: Si Anna ay mahilig magbakasyon sa iba’t ibang bansa kaya’t madalas siyang sumakay ng alipawpaw. 6. PIGING – isang uri ng handaan.Halimbawa: Siya ay nasasabik na dumalo sa piging sapagkat kaarawan ng kanyang iniirog.  7. MIKTINIG- mikropono o ‘microphone’ sa igles.Halimbawa: Nag-iisa lamang ang miktinig ng karaoke kaya’t kami ay nag-uunahan sa paggamit nito upang kumanta. 8. PANG-ULONG HATINIG – Ito ay ang ‘headset’ sa ingles.Halimbawa: Si Marco ay mahilig makinig ng musika kaya’t lagi niyang gamit ang pang-ulong hatinig. 9. ANLUWAGE – isang uri ng trabaho ng tao; karpentero.Halimbawa: Hindi nakakalimutan ng aking ama ang magdala ng martilyo at pako sa kanyang trabaho dahil siya ay nagtratrabaho bilang isang anluwage sa tinatayong istraktura sa aming lungsod. 10. BUTSAKA – bulsa ng damit.Halimbawa: Ang tanging laman ng aking butsaka ay ang aking pitaka.